JANNA'S POV: BIGLA akong napatingin sa malaking puno ng narra dahil parang may nakita akong tao na nakatago roon. Nandoon pa naman si Victor nang galing bago niya ako sinalubong. "Victor, may kausap ka ba kanina?" takang tanong ko. Umiling siya. "Wala akong kausap, bakit?" takang tanong niya. "Parang may nagtatago sa malaking puno." Kumalas ako sa pagkakayakap kay Victor upang lapitan ang puno. "Janna!" tawag ni Victor. Nang makalapit ako sa puno ay bigla akong sumigaw sa gulat. "Ay!" May golden retriever ang gusto akong sampahan. "Shasha! Stop!" sigaw ng amo nito. Nang makita si Victor ng aso ay lumapit sa kanya habang kumakawag buntot. "You're so cute," wika ni Victor habang hinimas nito ang ulo. Lumapit ang lalaking may ari ng aso. "Sorry, Ma'am," sabi nito sa akin. Tumang