NANGINGINIG ang katawan ko habang palabas ako ng restaurant. Hindi ko inaasahan na may matutuklasan ako nang dahil lang sa kagustuhan kong tikman ang sikat na pagkain sa restaurant na iyon. Nang dumating ako sa bahay ay naabutan ko sila Mommy na kumakain, at nang tumikim ako ng kinakain nila ay nagustuhan ko ang lasa hanggang sa nabitin ako kaya sinadya kong puntahan para bumili. "Si Victor si Rafael?" sambit ko nang nasa loob na ako ng kotse. Parang napakahirap paniwalaan na si iisang tao lang si Victor at Rafael. Kahit sana wala siyang maalala ay nagkaroon sana siya ng lukso ng dugo para sa anak niya. Tumulo ang luha ko nang maisip kong kahit kay Sebastian ay wala siyang naramdaman. "Anong nangyari sa kanya bakit bigla siyang nagbago?" In-start ko ang engine at pinaharurot ko ito pal