"Uy! Okay ka lang ba?" Nakataas pa ang kilay na tanong ni Thesa. "Ha?" sagot ko. "Tsk! Malala na salpak nito sa ulo. Hoy! Jane, bakit hindi ko nakikitang kasama mo si Tarzan?" wika ni Thesa. Nasa isang restaurant kaming tatlo ni Jane at Thesa. Katatapos lang namin bumili ng mga bag at damit ngunit hindi pa kami tapos dahil kailangan pa naming mag-shopping para sa pasalubong sa mga kaibigan at kamag-anak namin sa Pilipinas. Babalik na kasi sila sa Pilipinas pagkatapos ng kasal namin. Dalawang araw na lang kasi ay ikakasal na kami ni Rafael sa judge at sa Pilipinas kami magpapakasal sa simbahan minadali lang namin dito para maging legal na talaga kaming mag-asawa. Gusto rin kasi namin kasama ang mga kaibigan namin kahit sa judge kami ikakasal. Tinaas ni Jane ang kilay niya. "Sinong Tarza