JANE'S POV: "Mommy, saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Jack. Nakita kasi niya akong naglalagay ng makeup. Huminto ako sa paglalagay ng makeup at humarap sa kanya. "May pupuntahan tayo anak." Lumapad ang ngiti ni Jack. "Kasama ako Mommy?" Tumango ako. "Yes, 'di ba gusto mong makita ang Tito Rafael mo?" Sunod-sunod na tango ang naging tugon niya sa akin. "Yes, Mommy, matagal ko na siyang hindi nakikita." "Pupunta tayo bahay ng Tito Rafael mo, makikilala mo na siya niya at ang mga anak niya. "Talaga po!" Tumango ako. "Kaya maligo ka na at magbihis dahil aalis na tayo." "Yehey!" Nagtatalon pa siya sa tuwa. "Maligo ka na anak." Hinubad niya ang damit niya at pagkatapos ay pumunta siya sa banyo at nagsimula na siyang maligo. Muli ko naman ipinagpatuloy ang maglalagay ng makeup sa m