Lance and Jane part #15 "JANE, let's go!" Inalalayan ako ni Bella na tumayo samantalang si Jack ay kinarga ni Rafael. Nakayuko ako habang naglalakad kami palabas ng hotel. Sa pangalawang pagkakataon ay napahiya na naman ako sa pamilya ni Lance. Sa pagkakataon na ito ay wala akong mukhang ihaharap. "Nasaan si Thesa?" narinig kong sabi ni Bella. Sinabunutan kasi ni Thesa si Perlita kaya nag-aalala si Bella. Nasa loob na kami ng kotse Bella. "Tinawagan ko ang asawa niya nakaalis na sila sa hotel," sagot ni Rafael. Tumingala ako kay Bella. "Sobrang sama ko ba? Bakit ayaw kailan may lalaking nagmamahal sa akin saka naman nangyari 'to? Binago ang sarili ko, pinili kong magmahal muli pero doubleng sakit ang nararamdaman ko ngayon. Wala akong ginawang masama maniwala kayo sa akin." Bumunto