Lance and jane part 14 MAAGA pa lang ay punong abala ako ngayong kaarawan ni Lance. Bukod sa birthday niya, ay ngayon namin i-announce ang plano naming pagpapakasal. Pinaghandaan namin ito ni Lance at siyempre pinaghandaan ko ito dahil naghanda ako ng surpresa sa kanya. "Madam, bakit gising na kayo?" Nagulat ang katulong namin dahil nakita niya ako sa kusina. Lumapad ang ngiti ko. "Huwag kang maingay dahil magbi-bake ako ng cake." Mas lalong nagulat ang katulong namin dahil hindi siya makapaniwala na marunong akong mag-bake ng cake. "Marunong pala kayong gumawa ng cake?" Tanong niya sa akin. Tumango. "Marunong pero hindi ako magaling." "Kung kailangan n'yo ng tulong sabihin n'yo lang." "Matulog na po kayo ako na ang bahala na magluto ng almusal natin." "Naku! Nakakahiya naman