JANE'S POV: MABILIS kong pinahid ang mga luha ko upang hindi mapansin ang mga tao sa loob ng restaurant na pinuntahan namin ni Rafael. Nakiusap ako sa kanyang magkita kaming dalawa sa huling pagkakataon. Bumalik na kasi ang alaala niya kaya hindi na siya bumalik sa amin ni Jack. "I'm sorry Jane, pero hindi na ako muling babalik pa sa inyo ni Jack," wika ni Rafael. Pilit akong ngumiti sa kabila ng lungkot na nararadaman ko. "Matagal ko ng alam na mangyayari ang bagay na 'to, matagal ko ng pinaghandaan ito." Muling tumulo ang luha kung kaya't pinunasan ko ito. "Sorry! Ang hirap kasing magpanggap na okay." Malungkot ang mukha ni Rafael na tumingin sa akin. "Jane…" "Napakasuwerte ni Bella dahil ang daming nagmamahal sa kanya samantalang ako lagi na lang nasasaktan. Ang tagal kong hininta