RAFAEL’S POV: “Cheers!” Sabay-sabay naming tinaas ang hawak naming wine-glass pagkatapos ay in-straight namin itong inumin. “Ahh!” wika ni Vanjoe na parang umiinom lang ito ng kape. “Ang sarap talaga uminom ng alak kapag wala kang iniisip na problema ‘di ba Rafael?” Bahagya pang umangat ang kilay niya. Nasa bahay pa rin namin sila at doon pansamantalang nag-stay. Bukod sa magiging saksi sila sa aking wedding proposal ay magiging saksi rin sila sa aming kasal dito sa Amerika. Tumango ako. “Ang sarap talaga sa pakiramdam lalo na at kasama mo ang mahal mo?” “Sigurado ka ba na hindi na nanggugulo sa inyo si Jane?” tanong ni Andy. Apat kaming umiinom kasama ang asawa ni Thesa. Tahimik lang ito habang nakikinig sa pinag-uusapan namin. “Oo, sumuko na si Jane.” “Hays! Sana nga tapos na