Tinaas ko ang kanang kilay ko. "Magkakilala kayong dalawa?" "Yes, magkaribal kami sa iyo," diretsong sagot ni Xian. Umaangat ang kanang kilay ko. "Bakit nadamay ang pangalan ko?" "Sweetie, siya ang sinabi mong nagpahiram ng jacket sa iyo?" tanong ni Rafael. "Yes, siya ang Head Quality Manager ko." Halos magdikit nang kilay ni Rafael. "Sigurado ka ba na Head Quality Manager lang siya?" "Ano ba ang nangyayari hindi ko maintindihan?" "Kinuha ko lang ang jacket ko," wika ni Xian. Tatalikod na sana si Xian nang bigla siyang tawagin ni Rafael. "Xian!" Huminto naman si Xian at seryosong nakatingin kay Rafael. Sa itsura nila mukhang magsusuntukan na silang dalawa. "Hindi ka pa ba napagod kakahabol?" tanong ni Rafael. "I have the right to chase her." "Lumayo ka sa asawa ko. Hindi siya