"Mommy, kilala mo ba si Xian Thomas?" bungad kong tanong kay Mommy nang mag-video call kami Saglit siyang nag-isip. "Nagkita na kayo?" Tumango ako. "Anong ginawa ni Belinda sa kanya? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya maka-move on?" Bumuntong-hininga si Mommy. "Ang kapatid mo na 'yan ang daming ginawang kalokohan. Boyfriend niya si Xian habang boyfriend niya si Rafael." Nagkatinginan kaming dalawa ni Rafael. Katabi ko siya habang nakikinig sa pinag-uusapan ni Mommy. "Gusto ni Belinda na magpakasal na sila ni Rafael pero ayaw pa ni Rafael kaya nang ligawan siya ni Xian at sinagot niya ito. Ang sabi sa akin ng kapatid mo. Gusto niyang mabuntis para mapilitan siyang pakasalan ni Rafael. "Ang ibig n'yong sabihin ay nakipagtalik siya kay Xian para mabuntis siya?" Tumulo ang luha