"Xian, I'm sorry!" Sabay yakap ni Mommy kay Xian nang salubungin niya kami sa airport. Niyakap ni Xian si Mommy habang may namumuong mga luha sa kanyang mga mata. "Tita, don't say sorry. It's not your fault," tugon Xian. Niyakap niya rin si Mommy bilang tugon. Naramdaman kong ang kamay ni Rafael na pinisil ang kamay ko kaya tumingala ako sa kanya at ngumiti. "Xian, gusto kong makita ang apo ko, gusto kong humingi ng tawad sa kanya," wika ni Mommy. Tumango si Xian at inalalayan niya si Mommy hanggang makasakay kami ng van. Isang sasakyan ang dala namin papunta sa bahay nila Xian. Kasama namin ang dalawa naming anak at ang Yaya nila. Gano'n kami, kapag kasama namin ang mga bata hindi puwedeng hindi kasama ang Yaya nila. "Kinakabahan ako," bulong ko kay Rafael. Binabagtas namin ang mal