"Taray ang pre nuptial photoshoot n'yo. Talagang hindi ka na lumayo sa bar at hotel talaga ang theme n'yo," wika ni Thesa. Habang isa-isa niyang tinitingnan sa laptop ko ang mga pictures namin. Hindi namin pinalampas ang pre nuptial photoshoot dahil church wedding kami at dahil naghahabol kami ng oras kaya pinagpuyatan namin ang photoshoot. Hindi naman kami nagsisi dahil kahit rush siya ay maganda pa rin kinalabasan. "Siyempre doon nagsimula ang pagmamahalan namin." "Road to forever na talaga ang pamilya n'yo wala ng problema ngayon." Tumango ako. "Naayos na namin ang mga problema namin pero siyempre hindi naman mawawala ang problema sa isang tao." "Hays! Sayang hindi ako ang bridesmaid mo. Ang tagal mo kasing nagpakasal," wika ni Thesa. "Okay lang 'yon, isa pa, ako naman ang bridesm