Lance and Jane part 1 HABANG kilig na kilig ang lahat sa ginawa ni Lance ay nanggigil naman ako sa galit sa kanya. Sinadya niyang gawin ito para wala akong palag sa kanya. Nang bumaba kami ng stage at nilapitan ko si Jack, kasama niya ang anak ni Andy na little bride. "Jack, 'wag kang aalis diyan may kakausapin lang ako. Huwag kang sasama sa hindi mo kilala." Tumango si Jack bilang pagsang-ayon. Nag-e-enjoy siya dahil marami siyang kalaro na kasing edad niya. Ang lalaki ng mga hakbang ko nang nilapitan ko si Lance, na nakikipagtawanan sa mga bisita. "Lance Montecillo!" sigaw ko. Nakangiti naman siya nang lumapit sa akin." "Hey! Moon." Mas lalo akong nanggigil ng tawagin niya akong moon. Hinila ko ang braso niya at sinandal ko siya sa dingding, at saka kinuwelyuhan. Nasa lugar