Lance and Jane part 2 NAGISING ako nang marinig ko ang boses ni Jack na tawa nang tawa. Nang idilat ko ang mga mata ko ay pansin kong nasa ibang kuwarto kami. "Jack?" Bigla kong naalala nasa isang hotel kami at kasama namin si Lance. Napabalikwas ako ng bangon. Nakita kong nakahiga ako sa sofa bed. Bakit ako nandito?Sa pagkakaalam ko katabi ko si Jack na natulog sa kama bakit ngayon, ay dito na ako natulog? "Mommy!" Tumingin ako kay Jack . Kasama niya si Lance. Ang hudas hindi pa umaalis! Hindi rin nakalampas sa akin ang suot na damit ni Jack. "Pareho na kaming tatlo na nakasuot ng pantulog. "Mommy, sabay kaming nagising ni Tito Lance." Umangat ang kanang kilay ko. "Sabay kayong nagising?" "Yes, Mommy, kumain na rin po kami ni Tito Lance." "Hindi ka galit kay Mommy?" Umilin