"Mabuti naman at dumating ka na," ani daddy. Nakahalukipkip ang kamay niya habang salubong ang kilay niyang nakatingin sa akin. "Why?" "Hindi mo ba alam ang responsibilidad mo kay Anne? Muntik na siyang makunan dahil sa stress na ginawa mo." Imbes na sagutin ko siya ay nilampasan ko siya upang dumiretso sa kuwarto ko. "Lance! Lance! Kinakausap pa kita." Binilisan ni daddy ang lakad kaya naiharang niya ang kamay niya sa pinto. "Mag-usap tayo." "Dad, ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi ako ang nakabuntis kay Anne. Walang nangyari sa aming dalawa." "Bakit ba lagi mo lang pinagpipilitan ang gusto mo? Kawawa ang nobya mo kung ganyan ka. Maging responsable ka sana dahil magkakaroon ka ng anak." Bumuntonghininga ako. "Okay, mag-uusap kami bukas." "Mabuti naman kung gano'n."