"IKAW na yata ang pinakatangang babae na nakilala ko." Sabay hampas sa akin ni Thesa, dahil sa labis na inis sa akin. "Ouch!" Sabay hawak ko sa braso ko na sinampal niya. Hindi pa siya nakontento. Sinabunutan pa niya ako. "Gaga ka talaga! Naiinis ako sa magiging martir mo." Halos lumaki na ang butas ng ilong niya. "Aray! Ang sakit na nga ng puso ko sinaktan mo pa ang katawan ko," sabay simangot ko. "Naku! Kulang pa 'yan sa iyo. Sinabi ko sa iyo na 'wag kang basta-basta mag-give up sa taon na mahal ka. Baliktad ang utak mo eh, laban ka nang laban doon sa taong hindi ka mahal doon sa mahal kita sinusukuan mo!" Tinalo pa ni Thesa ang mommy ko kung magsermon. Hindi naman ako puwedeng magmatigas dahil tama naman siya. Mahigit tatlong linggo na mula nang magdesisyon akong magpaubaya sa kan