SPECIAL CHAPTER MOON AND STAR#31

2017 Words

"Ma'am, sigurado po ba kayo na aalis kayo?" Bakas sa mukha ang pag-aalala ng kasambahay namin habang nakatingin siya sa akin. Isa-isa kong nililigpit ang mga gamit ko sa loob ng maleta ko. "Lalayo muna ako kay Lance, para makapag-isip kaming dalawa ng tao. Totoo o hindi ang paratang sa kanya ni Anne. Gusto kong ayusin niya ng wala ako. Pakiramdam ko kasi kapag magkasama kami ay ayaw na niya akong bitawan. "Madam, kung kailan naman dumating ako ay aalis kayo, balak kong ipagluto ka ng mga ulam na niluluto namin sa probinsya." "Manang, dalawa o tatlong araw lang akong magbabakasyon at 'wag mong sasabihin kahit kanino kung saan ako pupunta." "Paano ko sasabihin? Hindi n'yo naman sinasabi sa akin kung saan kayo pupunta?" Napakamot ako sa ulo. Hindi ko rin pala alam kung saan ako pupunta.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD