"Good morning!" Matamis na ngiti ang bumungad sa akin nang magising ako. Walang suot na damit pang-itaas si Lance, kaya bakat ang malapad niyang dibdib. Nahirapan tuloy akong tumingin sa kanya ng diretso. "Akala ko umuwi ka na?" sabi ko. Nakaiwas ako ng tingi sa kanya. "Hindi ako umalis dahil gusto kong makasama ka. Nagluto ako ng almusal natin." "Ay!" sigaw ko. Nagulat ako dahil bigla niya akong binuhat mula sa kama ko. Hindi ako makapagsalita dahil bagong gising ako at siguradong badbreath pa ako. Tinakpan ko ang bibig ko. "Star, ibaba mo ako mag-toothbrush muna ako." Imbes na ibaba niya ako ay dinikit pa niya ang mukha niya sa mukha ko. "Kahit anong amoy mo, mahal pa rin kita." Sabay halik niya sa akin sa noo. Wala na akong nagawa kung hindi ang sundin siya. Binaba niya ako sa