HINDI maipinta ang mukha ni Caleb nang i-activate niya ang dating Chumbook account at bumungad agad sa kaniyang newsfeed ang mga post ni Kristoff. Mga kuha iyon sa isang resort sa Batangas. Kung saan ay kasama ang pamilya nito at si Erin. Sweet na sweet ang dalawa sa bawat pictures ng mga ito. Tumagal din pala ng isang taon ang relasyon ng dalawa. Lalong umasim ang mukha ni Caleb dahil naka-two-piece swimsuit pa naman si Erin. At may kuha ang dalawa na inaakbayan ito ni Kristoff. Ang isa naman ay halos magyakapan na. Tsk. Hindi hamak ba na mas magaling sa'kin si Kristoff kaya pinili mo siya kaysa ang balikan ako? Nang mapagtanto ang iniisip ay sinaway at kinastigo ni Caleb ang sarili. Gusto sana ni Caleb na laktawan na lang ang mga post ni Kristoff. Ngunit namalayan na lang niya ang sa