Pareho silang natigilan ni Caleb nang mapatingin sa isa't isa. Tumaas-baba ang tingin nito sa kahubdan niya hanggang sa tumigil iyon sa mukha niya. And she knew that she was blushing. Samantalang dumilim naman ang mga mata ng binata habang nakatingin ito sa kaniya. "F*ck!" hindi napigilan na pagmumura ni Caleb habang titig na titig sila sa isa't isa. Humakbang ito ng one step papunta kay Erin, dahilan para mas bumilis ang t***k ng puso niya. Ngunit bandang huli ay nanaig dito ang umiwas at itapat na lang ang sarili sa ilalim ng shower. "Maligo ka na rin bago ka pa magkasakit at masisi ako ni Kristoff," wika nito na hindi tumitingin sa kaniya. Nasasaktang napakagat-labi na lang si Erin. Alam niyang mali na umasa siyang maaakit sa katawan niya si Caleb katulad nang dati dahil kasintahan n