Hindi alam ni Erin kung gaano siya katagal nanatili sa banyo bayo siya nagkaroon ng lakas ng loob para sumunod kay Caleb. Hinayaan muna niya ang sarili na umiyak sa ilalim ng shower. Kaya nang lumabas siya ay namumugto ang kaniyang mga mata. Dahil basa pa ang kaniyang mga damit kaya lumabas si Erin na tuwalya lang ang nakatapi sa kaniyang katawan. Bahagya pa siyang napaurong nang makita si Caleb na nakaupo sa gilid ng kama. Walang pang-itaas at magulo ang buhok. Nakayuko ito at nakasubsob ang mukha sa mga kamay. Sa tabi nito ay may nakatuping T-shirt na kulay asul. Ayaw ni Erin na makuha ang atensiyon ni Caleb at makita na naman ang galit sa mga mata nito. Sobra-sobrang sakit at insulto na ang inabot niya kanina sa loob ng banyo. That was too much too bear. Baka hindi na niya kayanin k