Chapter 65

2154 Words

"Mauna ka na, Kris. Susunod na ako," pagtataboy ni Erin sa kaibigan nang pumarada sa parking lot ng Colegio de San Andres ang sasakyan nito. Sinundo siya nito kanina para sabay sila na um-attend ng alumni. Nagtatakang nilingon siya nito. "Bakit?" "Magre-retouch lang ako." "Retouch?" Hindi makapaniwalang tumawa ito. "Come on, Erin. Ano ang ire-retouch mo kung hindi ka naman nag-makeup?" "I mean, mag-a-apply pala," palusot uli ng dalaga. Wala naman talaga siyang ire-retouch dahil lipstick at face powder lang ang inilagay niya sa mukha. Wala rin siyang dala na kahit anong pangkolorete sa mukha. Natatakot siya sa maraming bagay. Iyon ang totoong dahilan kung bakit ayaw pa niyang bumaba. Natatakot siyang baka bumalik lahat ng alaala nila ni Caleb sa oras na umapak siya eskuwelahang iyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD