Saglit na natigilan si Erin nang sa pagpasok nila ni Caleb sa condo unit nito ay bumungad sa kanila ang dalawang travelling bag sa sala. Talagang handang-handa na ang binata sa pag-alis nito. Siya kaya? Handa na rin bang magsimula ng bagong buhay na wala na naman si Caleb sa piling niya? "Umupo ka muna," pukaw sa kaniya ng binata. Inabot nito ang kaniyang kamay at iginiya siya paupo sa sofa. "Oorder lang ako ng makakain natin. Dinala ko na kasi kina Mommy ang lahat ng pagkain ko dito." Akmang tatalikod na sana si Caleb at magda-dial sa cellphone nito. Ngunit pinigilan ito ni Erin. "'Wag na, Cal. Hindi naman ako nagugutom. Parang hindi pa nga natunaw ang kinain ko kanina sa party ni Tita Genna, eh." Hinimas niya ang kaniyang tiyan at totoong hanggang ngayon ay parang busog pa rin ang pa