Malalim na ang gabi pero hindi pa rin dalawin ng antok si Erin. Hindi mawala-wala sa isip niya ang pamamaalam ni Caleb kanina. Kahit anong pilit niya sabihin na mas makabubuti muna ss kanila ang maghiwalay, pakiramdam niya ay parang may kulang. Parang may hindi tama na maghihiwalay sila nang ganoon-ganoon lang. Pero alangan namang pigilan niya si Caleb na tuparin ang mga pangarap nito. Babalik na naman ba sila sa dati? Na hihinto na naman ang buhay nito nang dahil lang sa kaniya? Namamasa ang mga matang napabuntong-hininga si Erin at bumangon mula sa higaan niya. Sumilip siya sa bintana para sumagap ng malamig na hangin. Lalo niyang naramdaman ang kalungkutan nang sumalubong sa kaniya ang tahimik na gabi. Kahit ang kalangitan ay tila nalulungkot din. Walang buwan o kahit isang pirasong