Kabanata 42 Goodbyes.. Maaga akong nagising lunes ng umaga. Plano ko kasing pumasok sa opisina at balak din pumasyal sa opisina ni Dad ngayong araw. "Good morning, ate!" Masiglang bati saakin ni Trina. Napansin kong nililigpit nito ang pinag kainan ni Hezekiah. "Umalis naba ang kuya mo?" "Yes po, ate. Ipag hahain ko na ho ba kayo ng almusal?" Pinasadahan ako nito ng tingin bago ngumiti. "Hindi na, sa office na ako mag be-breakfast." Bakas ang gulat sa mga muka nito matapos ko iyon sabihin. "Ah, yes, ate!" "Hindi na din ako dito mag la-lunch." Tumango lamang din ito saakin matapos kong bilinan ng mga ilang bagay. Dala ang sariling sasakyan ay minabuti kong dumaan muna sa Mall bago sa opisina. Gaya ng dati dagsa pa rin ang tao lalo na ngayong mag sa summer. Matapos kong bisitahi