BUMALIK sa normal na ang takbo ng buhay namin sa trabaho. Dalawang buwan agad ang lumipas. Ganoon kabilis at hindi na nga namin napansin ang mga araw. Parang kailan lang tapos na agad ang pasko at new year. Although separate naman ang celebration namin ng pasko dahil nasa amin ako at siya naman kasama ang pamilya niya. Memorable pa rin kasi first christmas ko 'yon na may boyfriend ako at siya 'yon. Noong new year, sumama siya sa amin mag-celebrate. Pareho naming sinalubong ang bagong taon. Pero pagsikat ng araw, doon naman ako nag-stay sa kanila. So, next year ang usapan namin. Sa side naman ni Kayden sasalubungin ang new year. Bigla ko tuloy naisip noon na paano kaya kung mag-asawa na kami? Sabi nila kapag nag-asawa hindi mawawalan kundi madadagdagan ng isang miyembro ng family. Pero pa