MATAPOS ang dinner ay nag-usap lang kami lahat ng kaunti tungkol sa kasal bukas. Tumawag kami ng dalawang ninong at ninang. Ginawa namin kagabi lang kaya nagulat ang lahat na biglaan pero ayon nga at pinaliwanag naman ni Kayden na may church wedding naman talaga. "Hala, totoo talaga?!" hindi makapaniwalang tanong ni Cindy matapos ko siyang tawagan. "Yeah... punta ka bukas dito. Sama mo na ang boyfriend mo. Sa garden lang sa bahay gaganapin. Leave ka na din muna." Humagikgik ako habang kausap siya. Umuwi na si Kayden sa condo nito at nagpasya kaming magkita bukas ng umaga sa mansion dahil mas okay daw na maaga kaysa sa late siya. Darating kasi ang kilala nitong judge ng alas-dose ng tanghali. "Oo no! Grabe kayo, umalis ka ng walang paalam. Lugmok ka pa noong isang linggo ngayon ikakasal