NAKARAMDAM ako ng galit at dismaya. Sa bibig na mismo ni Mommy lumabas ang katotohanan. Dahil sa ginagawa niya tingin niya gusto ko pang umuwi? Mas lalong hindi. "No. I will stay here. I'm not going to leave Kayden even if it means we will move to a small apartment. Dad only proves that he's greedy with money and power rather than to save our relationship as his daughter. Mom, ayoko mabuhay ng didiktahan ako kung sino ang dapat kong maging boyfriend o asawa. If you came here to make me change my mind, it's not working. I'm serious when I said; I'll stay here with Kayden. I'm not gonna take it back." "Are you pregnant?" Namilog ang mga mata ko at umiling. "No!" medyo naghisterikal ako sa tanong niya na iyon. Tinitigan niya lang ako ng may pagod na mga mata. "Ngayon mo lang ginawa ito,