TULAD ng inaasahan, late nga kami. Iyong kamag-anak kasi ng may-ari ng bahay naglaan lang ng oras para i-assist kami. May pasok din daw kasi siya pagdating ng ala-una. Kaya ang usapan ay 11 AM magkikita pero nakarating kami 11:30 na. Hiyang-hiya tuloy ako. Saglit lang naman din kami dahil pinakita lang niya iyong apartment. Malawak at may sariling banyo. Kaunting ayos lang nito maganda na. "What do you think?" tanong ni Kayden at bumaling na sa akin. "Oo, okay na ko dito," I smiled. Hudyat iyon para mag-usap si Kayden at si Enrico. Iyong pamangkin ng may-ari. Nagpirmahan na rin ng kontrata. "One month advance, one month deposit." Tumango si Kayden at nilabas na ang wallet niya. Naglakad ako papunta sa bintana para sumilip doon. Malapit as terminal, palengke, simbahan at school. Magan