ANG lakas ng t***k ng puso ko sa kaba. Naagaw namin ang atensyon ng ibang parokyano doon. Hinila ko ang braso ni Kayden. Pinipigilan din ng mga kasama iyong lalaking nambastos sa akin. "Tama na, pre," awat ng kasama niya pero tumayo ito na tila naghahamon pa. "Kung ayaw mong bastusin ang gerlprend mo, aba, alisin mo dito! Ba't mo hinayaan magtrabaho sa bar? Alam mong maraming lasenggo dito at maraming babastos sa kanya? Siraulo ka pala, eh!" Umigting ang panga ni Kayden. Nabitiwan ko ang braso niya dahil umangat na ang kamao nito sa ere pero pinagtulungan agad siya ng dalawang waiter na awatin. "f**k you!" sigaw ni Kayden. Nanginginig na ko sa kaba. Inawat din ang lalaking customer ng mga kasama niya pero nagmumura na din ito. "Ulol! Sige, ano! Bitiwan niyo, suntukan na lang!" hamon p