HUMALUKIPKIP ako sa upuan. Hindi ko man lang siya nginitian dahil naalala ko kung paano siya hawakan ni Karla kanina. "Hey, baby..." malambing niyang tawag sa akin. Namumungay ang mga mata at halata mong gusto akong suyuin dahil sa nangyari kanina. I sighed and looked at my laptop. Inignora ko ang presensya niya pero lumapit ito sa pwesto ko, huminto sa likod ko at nilapit ang bibig sa tainga ko. "Hindi mo ko papansinin?" mahina niyang sambit. Nagtayuan lahat yata ng balahibo ko sa katawan dahil sa init ng hininga niya. Wala pa rin akong reaksyon. Nagpatuloy ako sa pag-scroll at nagkunwaring hindi interesado sa kanya. "Olivia..." This time, hinawakan niya ang kamay kong nasa mouse para makuha ang atensyon ko. Kanina okay na ko pagkatapos kumain. Kaya lang later on, naiirita ako. Nag