NASUNDAN ang mga palihim na tagpo namin ni Kayden. Mas tumaas din ang physical intimacy naming dalawa. Until now, tinatago ko pa rin siya sa iba. Pero sa matalik kong kaibigan ay hindi na. “Alam niyo iniingit niyo lang ako. Akyat ka ng akyat dito Kayden. Padadalhan na kita ng Memo. Hindi ka naman nagtatrabaho.” Sumimangot na si Cindy nang maabutan kami ni Kayden na nasa loob ng opisina ko. Tanghalian na at dito na siya kumain sa taas. Palagi siyang may bitbit na home-cooked meals para sa amin. Ngayon, hindi na siya nagdadamot. Mayroon na din si Cindy. Ayaw niya lang kapag si Damian. Natatawa pa rin talaga ako kapag naalala ko kung gaano ka big deal sa kanya na kinain ni Damian ang niluto niya para sa akin. Halatang iritado ng makausap ko kinagabihan. Hindi na nagdala ng pagkain kundi s