CHAPTER 25 CHLOE's P.O.V Kinabukasan ng gabi ay binihisan nila ako. Sinuotan nila ako see trough at kahit na magwala ako ay di nila ako pinapansin! Pinagsuot nila ko ng cardingan habang hinihila ng mga tauhan nila na isakay sa itim na Van papunta sa Rigarde Club House na sinasabi nila. At nang makarating kami don ay nakita kong marami ng taong naroon sa party at lahat ng mga ito ay nakamasquerade. Isinuot din nila ang itim na maskara sakin ngunit sinabi nilang pag hinarap nako sa audience ay tatanggalin din nila ang maskara ko! Tinago nila ko sa isang kwarto kaya ng iwan nila ko ay napayakap ako sa sarili ko. Napaiyak na ko ng mga sandaling yun dahil naiisip kong paano kung mapunta ko sa mga masamang kamay? Ayokong magpagalaw sa kahit na sinong lalaki maliban kay Nairo. Nagulat ako ng