CHAPTER 26: Suffering (1) NAIRO's P.O.V Matapos ang pagdakip namin sa mga miyembro ng RAS. Ay mabilis akong nagmaneho papuntang Leroize Hotel na pagmamay-ari ni Travis. Mabilis akong umakyat sa palapag ng kwartong inupahan ko ng makita ko dun si Chloe na nakasiksik sa dulo ng kama agad akong naglakad palapit sa kanya at marahan kong tinapik ang pisngi nya dahil nakatulog na pala sya roon. "W-waaag! Parang awa mo na pakawalan mo na ko! M-mahal na mahal k-ko ang boyfriend ko! G-gusto ko pa syang makasama please." Pagmamakaawa nya sakin habang umiiyak marahil ay di niya ako nakilala dahil sa dilim ng kwarto. Nagpigil akong wag maiyak sa nakita kong itsura ng babaeng mahal na mahal ko kaya marahan ko syang niyakap. Ang kaninang malakas na pag-iyak nito ay naging mahina nalang. Hinaplos-ha