Ilang linggo pa ang nakalipas, hinayaan pa rin niya na gano'n ang set up nila ni Rage. Patay malisya lang siya sa lahat para walang mabago sa samahan nila. Pero ingat na ingat siyang magkamali at mapalapit na naman dito ng husto. Katulad din ng dati nilang gawi, pasok sa work, papasok naman sa school si Rage. Uuwi sila, magluluto si Rage, magku-kwentuhan minsan pero hindi na gano'n kadalas. Palagi na lang din tahimik si Rage, animo malalim palagi ang iniisip pero hindi niya ito kinakausap tungkol doon. Mahirap na kasi baka biglang umamin ito sa kanya ng wala sa oras. Pero nag-uusap naman sila, bibihira nga lang. Ngunit kapag maganda ang panahon at maganda ang buwan ay hindi nila pinapalagpas iyon, palagi silang nasa labas at nahihiga sila sa bermuda grass sa harapan mismo ng kanilan