"Par, sigurado ka bang ninang mo iyan hindi mo ate o pinsan? G*** ang ganda! Eh mas maganda pa sya sa mga classmate natin ah tsaka sigurado ka bang 30 years old na iyan parang nasa 20 lang tsaka p*ta ang sexy! May boyfriend na ba iyan bakit ngayon mo lang sa amin pinakilala?" hindi magkandatutong bulong sa kanya ni Mark habang nakasilip sa pintuan ng dining room, nasa sala naman ang kanyang ninang na noon ay kausap ni Helena. "Yes po Tita, bale kami po ang partner ni baby. Tapos iyong dalawang kumag ay may partner din kaya lang hindi po nakarating." narinig niyang sagot ni Helena marahil tinatanong ng kanyang ninang ang tungkol sa kanilang sayaw. "Oh wow, wala sa aking nababanggit ang Rage na iyan. Halos ayaw nga akong papuntahin ng school ninyo, ewan ko ba ikinahihiya yata ako ng pas