“Hello Ma, kumusta po napatawag kayo?” Tanong ni Amiraya sa kanyang ina ng ipasa sa kanya ng kanyang Tita Cerine ang cellphone. Kausap pala nito ang kanyang mama at mukhang nagkaunawaan na rin ng dalawa. Buti na lang talaga, akala talaga niya hindi na magkakasundo ang dalawa. Noon kasing nakausap niya ang kanyang Tita Cerine, galit na galit ito sa kanyang Mama. “Nag-usap kami ng Tita Cerine mo, nais ko magbakasyon kayo dito. Hindi yung puro trabaho na lamang kayo diyan na dalawa ng kuya mo, isama mo si Rage. Hindi pa namin nakausap ang batang yan, ang papa mo sabi eh tawagan ko kayo at ng magtungo kayo dito. Iyon pala nandiyan si Cerine, hindi man lamang sa akin nagpasabi na uuwi pala ng Pilipinas.” Wika ng kanyang mama sa messenger niya ito kausap kaya kita niyang nasisiyahan ito.