Masaya nilang pinagsaluhan ang niluto niyang pancake ng hapon na iyon naging maayos din ang pag-uusap ng kanyang mahal pati na ang kanyang tita Cerine at ng kanyang itay. Akala nga niya ay magsasagutan pa ang mga ito o magsasalitaan pa ng masasakit na salita ngunit hindi, mukhang naunawaan na rin talaga ni tita Cerine kung ano ang nararamdaman nilang dalawa ng kanyang mahal. Ang kanya namang tatay ay nagulat ng makita si Amiraya, sabi nito kasi ang akala nito na sinasabing matanda ng kanyang Tita Cerine ay matanda talaga. Pero nagulat nga ito ng makita si Amiraya na napakaganda nga daw talaga at hindi mahahalatang 30 years old na ito. Binulungan pa nga siya ng kanyang tatay na mukhang napakaswerte daw niya dahil mabait na nga, maalaga, napakaganda at sexy pa daw ito ang nakakatawa pa