"Maraming salamat po tita, hindi po ako makapaniwala ngayon pumapayag na kayo siguradong matutuwa nito ang aking mahal. Hindi rin po niya inaasahan na papayag kayo at saka akala nga po niya ay isusumpa ninyo siya. Pero tita sobrang bait po ni Amiraya, kaya hindi ko po napigilan na hindi mahulog sa kanya. Lahat sinakripisyo niya sa akin para makatapos lamang ako. Hindi nga po siya nagkaroon ng kasintahan dahil ang iniisip lamang niya ay ang kapakanan ko. Ang kinabukasan ko, at ang totoo naman po eh ako talaga ang unang na-inlove sa kanya. Hanggang sa pinadama ko na sa kanya yung pagmamahal ko at nahulog na rin po siya sa akin. Kaya sana po wag kayong magalit sa kanya tita, nagmamahalan po kaming dalawa." pahayag niya sa kanyang Tita, medyo naluluha na rin siya dahil sa kasiyahan. "Alam k