“Hi husband to be, thank you kasi pinagamit mo ang room mo sa'kin ha, pero konting panahon na lang din naman magiging room ko na rin naman yun eh.” wika ng kalalabas lamang sa main door na si Helena. Todo simangot naman si Rage habang nakatingin dito, naantala ang kanyang pagtingin sa cellphone dahil sa nagsalita nga ito. Hindi kasi niya tinitigilan ang pagtawag sa kanyang ninang. Pati sa number nito ay tinatawagan din niya, pero wala talaga. Maging sa iba pang social media nito pero wala pa rin talaga. Sinubukan naman sana niya sa kanyang tita Mely pero wala rin, hindi kasi niya ito friend kaya hindi siguro napapansin yung friend request niya kaya wala ring response sa message request niya. “Huwag mo nga akong pinagloloko Helena mainit ang ulo ko pwede ba umalis ka na kung tapos k