Kabanata 13

1324 Words

Matapos nga nilang kumain ng tanghalian ay minabuti na magpahinga ni Amiraya sa kanyang kama, pero maya-maya ay kumatok sa Rage sa pintuan ng kanyang silid. "Pasok ka Rage, tinatamad na akong buksan ang pintuan eh. Bukas naman yan." wika niya sa kanyang inaanak. Nakahilata na kasi siya, tinamad na siyang tumayo. Bukas naman ang kanyang kwarto hindi naman niya iyon nila l-lock kahit na natutulog siya dahil silang dalawa lang naman ni Rage ang nakatira doon. "Papasok na ako Ninang ah." paalam nito sa kanya. "Oo, pasaway parang bago ng bago ah." palatak niya sabay inat at napahikab pa dahil nakakaramdam na siya ng antok. Nakita niya na pumihit na nga ang saradura at iniluwa niyon ang kanyang inaanak na noon ay bagong paligo pa lang. Naudlot tuloy ang kanyang paghikab, sabay naubo siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD