"Woi, mukhang yung specialty na naman ninyo ang ulam natin ng ninang ah. " nakangiting wika ni Rage kay Amiraya. Tsaka nito tiningnan isa-isa ang mga ulam na nasa mesa. "Aba pati iyong mga tirang ulam kanina Ninang uulamin ulit natin ngayon?" Tanong nito. Hindi kasi ito sanay na makita siyang inuulam iyong tira, kailangan kasi ibang putahe na naman pagkakain ulit siya. Malinis pa naman ang tira nilang food, kaya hindi na siya nag-alangan pa na ihayin din iyon. No choice kasi siya, malapit nang mag alas dose kaya naman minabuti niya na magluto na lamang ng sunny side up egg at hotdog. Tapos idinagdag na lamang niya iyong tira nilang ulam kaninang almusal, ininit na lamang niya iyon kasi naman hindi siya marunong magluto ng kahit na anong masasarap na putahe. Kung magluto man siya