"Alis! Tang*na n'yo, wala kayong magawa sa buhay!" Galit na galit na sigaw ni Rage ng maabutan niya ang ilang kabataang nagsusulat na naman sa kanilang pader gamit ang pintura. "Salot! Umalis kayo sa lugar namin!" Sigaw pa ng isang dalaga. Bigla siyang binato ng isa pero pintura ang gamit kaya naligo siya ng wala sa oras, pati motor niya ay nasabuyan kaya sa inis niya sa mga ito at hinabol talaga niya gamit ang kanyang motor. At sa galit niya inararo niya ang isa gamit ang kanyang motor. Natumba lang naman ito at hindi naman talaga niya pinuruhan, bale tinakot lang niya. Nagsitakbuhan naman ang mga pasaway. Siya naman ay nagmadali ng bumalik sa kanilang bahay. Naligo siya para mawala ang pintura sa kanyang katawan at maging sa damit niya. Ang ginawa ni ay ibinabad na lamang muna