“Tumawag si Tita? Bakit ano daw sabi? Galit ba, bakit hindi siya sa akin tumawag bakit sayo?” Sunod-sunod na tanong sa kanya ni Rage. “Hindi ko rin alam eh, pero galit na galit siya sa akin at pinapalayo ako sayo naintindihan ko naman siya. Kaya huwag ka na magalit sa kanya dahil sobrang nasasaktan lang ang tita mo. Mabuti pa kausapin mo rin siya ng maayos para malinawan siya na tapat naman tayo sa isa't isa. Ang iniisip niya kasi mapapariwara ka dahil sa minahal mo ako na mas matanda sayo at ninang mo kaya huwag kang magalit sa kanya unawain mo na lamang. Sabi din niya na baka dahil sa naghahanap ka lamang ng pagmamahal at kalinga ng isang ina kaya inaakala mo na mahal mo ako bilang isang babae. At sa huli ay masasaktan lamang ako dahil hindi totoo ang pagmamahal mo sa akin. ” Paliwanag