Matapos ang palitan ng personal vows, hindi mapigilan ni Amiraya ang pagpatak ng kanyang luha, si Rage naman ay ganon din. Para kasing napakabilis ng mga pangyayari, hindi pa rin niya mapaniwalaan na ngayon ay nasa harap na sila ng altar ni Rage at sumusumpa ng wagas na pagmamahalan. Maya-maya ay inanunsyo na ng pari ang pagpapalitan ng singsing. “Groom, isuot mo ang singsing sa daliri ng iyong bride and repeat after me,” wika ng pari sa kanyang mahal. Tumalima naman si Rage, kinuha nito ang kanyang kamay at dahan-dahang isinuot sa kanya ang singsing. “Amiraya, I offer you this ring to wear as a symbol of our unbreakable bond. It is a reminder of my eternal faith and unwavering dedication. I will h-honor you and cherish you f-forever, in the name of the Father and of the Son and of