ARAW NG KASAL Pumailanlang ang kantang The Gift by Jim Brickman sa loob ng simbahan ng buksan ang main door niyon at nagsimula namang maglakad ang napakagandang bride ni Rage na si Amiraya. Kasunod ng pagbukas na iyon ang sunod-sunod din na pagpatak ng kanyang luha habang hindi inaalis ang paningin sa kanyang mahal. Simple pero napaka-eleganteng tingnan ang wedding dress ng kanyang mahal na ang pumili ay ang kanyang Tita Cerine at Mama ni Amiraya. Bagay na bagay iyon sa kanyang mahal. Maging ang pagkakaayos ng buhok nito at maging ang make up nito na lalong nagpaganda dito. Kanina pa siya kinakabahan eh, pabalik-balik pa siya sa labas dahil nga medyo na-late ng ilang minuto ang kanyang mahal, iyon pala ay may nangyaring aberya sa kalsada. May naaksidenteng sasakyan at dahil doon kay