Napakabilis ng pangyayari matapos ang proposal na iyon ng kanyang mahal na si Rage. Naitakda agad ang opisyal date ng kanilang kasal at inasikaso agad ng tita nito na si tita Cerine ang lahat ng tungkol sa kasal. Pati na kanyang mama, talagang sinigurado ng mga ito na maikasal agad sila dahil hinahabol yata ng mga ito na maka-attend pa si tita Cerine sa kasal nila. Sabagay, tama din talaga na nandito ang ito para naman kompleto ang pamilya ni Rage. . Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na ikakasal na silang dalawa, pero ang nakakatuwa lang kasi ay wala silang halos problema ni Rage sa paglalakad ng nga kakailanganin s akanilang kasal. Ang mama at ang tita Cerine nila ang kumilos ng lahat ng dapat kailanganin. Tapos kapag kailangan lamang silang dalawa saka sila napipilita