“Aray, dahan-dahan naman po Ninang ang sakit po.” reklamo ni Rage sa kanyang Ninang. Napuruhan kasi ang panga niya kaya dumugo ang kanyang bibig. Pero kahit gano’n masaya na siya dahil unang beses na nagawa niyang ipagsigawan sa ibang tao na mahal niya ang kanyang Ninang. Sana lang talaga matanggap din agad ng mga magulang ng kanyang Ninang kapag natuklasan na ng mga ito. Kaya niyang harapin lahat para lang sa pagmamahal niya sa kanyang Ninang. “Ikaw naman kasi bakit kaylangan mo pang sumabat sa usapan namin ni Kuya, ayan tuloy.” naiiling na wika ng kanyang Ninang. “Hindi ko naman po kasi mapahihintulutan na ikaw lang ang gisahin ni Kuya. Tsaka masaya nga ako na inamin mo sa kanya ang namagitan sa atin. Hindi ko nga alam na gagawin mo iyon eh, akala ko itatanggi mo at magdadahil