Hindi magkandatuto sa pag-awat si Amiraya sa kanyang Kuya Amaro. Talagang suntok dito, suntok doon ang kanyang Kuya kay Rage. Awang-awa na siya sa kanyang inaanak pero wala siyan magawa lalo pa at malaking bulas ang kanyang Kuya. "Please Kuya, tama na! Maawa ka naman kay Rage! Wag mo namang saktan iyong bata oh! Kuya pleaseeee..." umiiyak ng awat niya dito. "Tigilan mo ako sa kagaguhan mo Amiraya! Dapat lamang sa lalaking ito ay balian ng buto dahil sa mga kalokohan nito! Walang utang na loob, pagkatapos na tanggapin ng ating pamilya bilang ka-isa natin ganyan pa ang gagawin. Talagang nagawa pang, tarantaduhin ka at salingin ang kahinaan mo para madala ka sa kalibugan ng hayop na ito!" galit na wika nito habang sinusuntok sa tiyan si Rage. "Mababago ba ang mga nangyari ng pananakit m