Parang natutulala pa si Rage dahil sa sinabi ng kanyang ninang Amiraya sa kanya. Gusto na sana niyang magwala sabihin sa kanyang ninang na bakit ba gano'n na lamang kahalaga ang lalaking iyong para dito. Na siya na inaanak nito na kasama ng matagal na panahon ay natalo lamang ng isang lalaking isang araw pa lang naman nitong nakakausap. Syempre para sa kanya sobrang sama ng loob niya kasi kanina pa nga niya napapansin na nagkakamabutihan na ang dalawa kaya talagang nag-uumapaw ang sama ng loob niya para dito. Pero ng sabihin ang kanyang ninang na doon siya matutulog sa silid nito. Bigla siyang natigilan at hindi na nakapagsalita. Bigla niyang na-miss ng mga panahong pwede pa siyang matulog sa tabi ng kanyang ninang ng mga 10 years old lamang siya noon. Iyakin siya noon sobra kaya naman